Sa kapanahunang diwa'y kay panglaw
Ano pa kaya ang saki'y tatanglaw
Tila kay dilim, ng gabing kulimlim
Takot sa kalooba'y di kayang alisin
Gaano katotoong ganito nga ang buhay
Ano pa nga ba ang maghihintay
Kalooban ko nga ba ang nakataya
Kung buhay, parang may paanyaya
Na yakapin Ka, hanapin ang pagsuyo't init, pag-aalab
Nawa'y pag-ibig Mo sa aki'y tila apoy na lumalagablab
Pinanatili Mo akong isang alagad anupaman ang alinlangan
Manahan Ka, gawin Mo'kong tunay, isang alagad.
Di man kaila, sa kahirapa'y tila puso'y tuluyang nasanay
Papurihan Ka nawa ng diwang nananahan ang nais na mapagpala
At kahit dumating man ang unos
Asa, mithi ay di magtatapos...
12:00 nu
ika-13 ng Pebrero, 2008
{}{}{}{}{}{}{}{}{}
Santo Tomas de Aquino, ipanalangin niyo kami.
No comments:
Post a Comment